Malapit nang simulan ang konstruksyon ng PHP50 milyong tourism road sa bayan ng Sibagat sa Agusan del Sur, na magpapabuti sa pag-access sa Managong Falls, isa sa pangunahing destinasyon ng turismo sa lugar, ayon sa isang opisyal.
Ibinunyag ng Department of Tourism ang kanilang bagong programa sa food tourism, ang “Philippines Eatsperience” upang ipamalas ang lokal na kusina at sikat na Filipino street food, na sisimulan sa dalawang kilalang lugar sa Maynila — ang Rizal Park at Intramuros.
Inirerekomenda ni DOT Secretary Kristina Garcia Frasco sa mga investor na tingnan ang potensyal ng Cordillera Region para sa “Mountain Tourism,” dahil dami ng mga turista na bumibisita dito.
Nagtala ang Pilipinas ng USD2.45 bilyon net trade surplus sa paglalakbay, ibig sabihin, mas maraming pera ang inilalabas ng mga dayuhang bisita sa Pilipinas kaysa sa mga Pilipino na naglakbay sa ibang bansa.
Umabot sa mahigit isang milyon ang mga pasahero sa NAIA sa nakalipas na long weekend, mas mataas ng 12 porsyento noong nakaraang taon, ayon sa datos mula sa Manila International Airport Authority.
Dinagsa ng mga mananampalataya ang Minor Basilica of Our Lady of Rosary of Manaoag sa Pangasinan noong Holy Week, na umabot sa mahigit kalahating milyong mga bisita!
Handa na ang pamahalaang lokal ng Malay! Binuo na nila ang kanilang municipal incident management team para bantayan ang pagdating ng mga turista sa Boracay Island ngayong tag-init.